-- Advertisements --

Pinaghahampas ni Australian tennis player Nick Kyrgios ang kaniyang tennis racket matapos na ito ay talunin ni Karen Khachanov ng Russia sa kanilang paghaharap sa US Open.

Dahil kasi sa pagkatalo nabura na ang pangarap nitong makuha ang grand slam title at bigong makapasok sa quarterfinals ng torneo.
Nakuha ng Russian tennis star ang 7-5, 4-6, 7-5, 6-7(3) at 6-4 sa laro na tumagal ng apat nao oras.

Sinabi ni Kyrgios na labis itong nadismaya dahil sa tila maraming mga tao ang kaniyang nadismaya.

Una ng humirit ng medical timeout ang 27-anyos na si Kyrgios dahil sa pananakit ng kaniyang kaliwang tuhod.

Nabigyan pa ito ng warning ng mga opisyal dahil sa paghagis ng bote ng tubig.

Nauna ng minultahan ito ang 27-anyos na si Kyrgios na aabot sa $18,500 sa mga unang match nito dahil sa pagmumura, pagdudura sa court ganun din ang pagsira ng raketa.

Susunod naman na makakaharap ng Russian tennis player si Casper Ruud ng Norway.