Inatake ng Iran ang isang Kuwaiti tanker na kargado ng langis habang nasa katubigan ng Dubai.
Tinamaan ang tanker ng drone attack ng Iran.
Sa kabutihang palad, base sa city authorities ngayong Martes, Marso 31, walang tumagas na langis o naitalang sugatan kasunod ng strikes sa naturang tanker.
Bago ang pag-atake, nauna nang nagbabala ang Kuwait Petroleum Corporation ng posibleng oil spill matapos atakehin ng Iranian forces ang malaking carrier ng krudo na “Al-Salmi” habang nakadaong sa may Dubai.
Tinamaan ang naturang vessel sa distansiyang 31 nautical miles hilagang kanluran ng Dubai, ayon sa UK’s maritime authority (UKMTO).
Nagresulta naman ang drones attack ng sunog sa barko, na kalaunan ay naapula ng Dubai authorities.
Idineklara nang “contained” ng mga awtoridad ang naturang insidente.
Ang panibagong pag-atake ng Iran ay kasunod ng muling babala ni US President Donald Trump na papasabugin ang energy sources ng Iran kung hindi muling bubuksan ang Hormuz Strait.
















