Boxer Jeo Santisima
Filipino boxer Jeo Santisima with the author

LAS VEGAS – Hindi pinalad ang Filipino boxer na si Jeo Santisima sa kanyang laban kontra sa kampyeon na si Emmanuel Navarrete matapos matalo sa 11th round technical knockout sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.

Sa ating panayam, inamin ni Santisima na “kulang daw siya sa tulog kaya kulang din umano sya sa lakas sa araw ng laban.”

-- Advertisement --

Una rito, nagpaulan ng mga combinations ang Meksikanong si Navarrete na komonekta sa mukha ni Santisima, rason para tuluyang itigil ng referee ang laban.

Si Santisima ang ikalawang Filipinong nabiktima ni Navarrete matapos maunang talunin si Juan Miguel Elorde noong taong 2019.

Umakyat ang kartada ni Navarrete sa 31 panalo, 27 knockouts at isang talo samantalang natigil ang 16 na sunod na panalo ni Santisima sa kanyang unang laban sa US kung saan may hawak ito na 19 panalo, 16 knockouts at tatlong talo.

Dinomina ni Navarrete ang buong laban kahit inaming nasaktan ang kanyang kanang hinlalaki mula sa isang akward na suntok na kaniyang binitawan.

Ito na ang ika-limang matagumpay na pagtatangggol ni Navarrete sa kanyang 122-pounds na titulo.