-- Advertisements --

Hindi umano kontento si Senator Robin Padilla sa aksyon ng adiministrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa katiwalian sa flood control projects ng pamahalaan, sapagkat iilan pa lamang umano ang napapanagot. 

Sa isang panayaman sinabi ni Padilla na 2 lang umano ang gradong ibibigay niya sa administrasyon dahil marami pa rin ang binabahang lugar sa ilang parte ng bansa. 

Binigyang-diin din ng senador na dapat walang pinipili at bahid ng pulitika ang isinasagawang imbestigasyon sa mga anomalya sa flood control projects. 

Iginiit niyang pumumulitika ang dahilan ng pagkakakulong ng dalawang kasamahan na sina Senators Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta. 

Samantala, maliban sa usapin sa flood control scandal, inaasahan rin umano ni Padilla na matatalakay sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo ang epekto ng El Niño sa bansa, ang kauna-unahang eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at ang isyu sa relasyon ng Pilipinas at China. 

Habang iginiit din ng senador na dapat ay matalakay sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) ang mga isyu kaugnay ng Freedom of Information at ang panukalang pagbabawal sa mga 16-anyos pababa na gumamit ng social media.