-- Advertisements --
Nakatutok ang Malacañang sa sa pagresolba ng krisis sa tubig sa Metro Manila.
Ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo, lahat aniya ng mga problema ay mga nakalaan na solusyon at nararapat na gawin ng mga tao ang kanilang mga trabaho.
Hindi na rin aniya bago ang nasabing problema dahil noong nakaraang mga taon ay nagkaroon na rin ng kakulangan ng suplay ng tubig sa bansa.
Magugunitang nagpatupad na ng rotational interruptions noong nakaraang linggo ang Maynilad at Manila Waters dahil sa mababang water levels ng Angat at Ipo dams.