Kourtney and Travis
-- Advertisements --

Inanunsiyo ni reality star Kourtney Kardashian na ito ay engaged na nobyong si Travis Barker.

Sa kaniyang Instagram account ay nagpost ito ng larawan nila ng Blink-182 drummer.

Isinagawa ni Barker ang proposal sa beachside hotel sa Montecito, California.

Binati ito ng kaniyang mga kapatid sa pamamagitan nina Kim at Kendall.

Nagsimula ang relasyon ng dalawa nitong Enero 2021 matapos ang pagiging magkaibigan ng ilang taon.

-- Advertisement --