Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon nina Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na humihiling ng Temporary Restraining Order (TRO) para pigilan ang pagpapatupad ng arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC).
Nasa siyam ang hukom na pumabor, lima ang tumutol at isa ang nag-abstain.
Ayon sa Korte, nabigo ang mga petisyuner na patunayan ang kanilang karapatan para sa agarang paglabas ng TRO.
Maliban dito, tinanggihan din ng kataas-taasang hukuman ang pag-isyu ng status quo ante order laban sa mga respondent kabilang ang Department of Interior and Local Government, Department of Foreign Affairs,Department of Justice, Philippine National Police, National Bureau of Investigation, Bureau of Immigration, Armed Forces of the Philippines, at ang Criminal Investigation and Detection Group.
Samantala, nilinaw ng SC na ang denisisyunan lamang nito ang hiling para sa interim relief at ang pangunahing isyung idinulog ng mga partido sa kanilang pleadings at mosyon ay hindi pa rin nareresolba.














