-- Advertisements --
Ipinagtanggol ng korte sa Osaka, Japan ang kanilang pagbabawal sa same-sex marriage.
Ayon sa korte na wala silang paglabag sa batas sa ginawa nilang pagbabawal ng pagpapakasal ng parehas na kasarian.
Inireklamo kasi na mga gay couples at right activist ang hindi pagkilala ng mga estado ng Japan gaya sa Osaka at Sapporo.
Tanging ang Japan lamang sa G7 countries na hindi pinapayagan ang same-sex marriage.
Ilang bahagi naman sa Japan gaya sa Tokyo ay naglalabas sila ng partnership certificates para tulungan ang mga same-sex couples na mag-renta ng bahay at magkaroon ng hospital visitation rights.