-- Advertisements --

Naglabas ng mga bagong panuntunan ang Supreme Court (SC) bilang bahagi ng pag-iingat sa coronavirus disease (COVID-19) sa mga tanggapan ng hudikatura.

Base sa inilabas na kalatas na may lagda ni Chief Justice Diosdado Peralta, gagamit ng thermal scanner sa mga justice halls.

Ang mga may opisyal at mahalagang trabaho lamang ang papayagan sa mga hukuman.

Kailangan ding sumagot sa “decalaration form” ang mga abogado at kanilang kliyenteng dadalo sa mga aktibidad ng korte.

Sa nasabing dokumento ay nakasaad ang mga tanong ukol sa mga nakaraang byahe at mga naranasang sakit na loob ng mga nakalipas na araw.

Maliban dito, lilimitahan muna ang mga pagpupulong sa korte at iba pang aktibidad ng mga opisyal ng hukuman.