-- Advertisements --

Inaasahang mabuo at pumasok ang isang tropical cyclone o bagyo sa Philippine Area of Responsibiity (PAR) ngayong buwan ng Abril, ayon sa state weather bureau.

Base sa pinakabagong climatological track ngayong Abril, iniulat ni weather specialist Benison Estareja na maaaring mag-landfall ang bagyo sa bansa.

Sakaling sa mababang parte ng bansa ang entry point ng bagyo, halimbawa ay pumasok sa eastern Mindanao, maaari itong mag-landfall sa Caraga, Visayas o MIMAROPA.

Paliwanag ng weather specialist na ilang bagyo sa Abril ay nasa silangan ng Visayas o nasa Bicol Region saka mananatili sa Luzon subalit hindi ito tatama at sa halip ay liliko sa labas ng PAR hanggang sa humina na lamang ito bilang low-pressure area (LPA).

Sakaling mabuo ang bagyo, ito na ang ikatlong papasok sa bansa at tatawaging Caloy.