Pansamantala munang isinuspindi ng Manila Police District (MPD) ang striktong implementasyon ng ordinansang naglalayong multahan ang mga maaabutang walang suot na pangitaas sa mga lansangan.
Ito ay matapos na magkaroon ng iba’t ibang sentimiyento ang publiko hinggil sa implementasyon nito na siya aniyang ‘anti-poor’.
Batay sa inilabas na direktiba na siyang epektibo nitong Abril 11, inatasan ang lahat ng operating units at tauhan na kabilang sa Oplan Galugad at iba pang anti-criminality operations na iwasan ang pagsasagawa ng mga aksyong nagpapakita ng pagpaparusa.
Sa halip na magisyu ang mga otoridad ng mga multa, inatasan ang mga ito na magbigay muna ng mga warnings at magsagawa ng mga information drives para sa mga umiiral na ordinansa at community standards.
Ang hakbang aniya na to ay naglalayon na mas paigtingin ang mga makataong pagpapatupad ng mga polisiya para sa pagpapanatili ng puclic order.
Samantala, nilinaw naman ng MPD na sa kabila ng mga bagong direktiba na ito, mahigpit pa rin na ipapatupad ang mga operasyon para sa mga lumalabag sa mga umiiral na ordinansa sa curfew hours at maging sa pagiinom ng alak sa mga lansangan.















