-- Advertisements --
Masayang inanunsiyo ng Korean couple na sina Son Ye-jin at Hyun Bin ang pagkakaroon na nila ng anak.
Sa kaniyang Instagram, isinagawa ng actress na si Son ang nasabing balita.
Kakaibang kasabikan at saya ang nararamdaman niya ngayon.
Noong nakaraang buwan kasi ay nagpost ito ng larawan na may kasamang aso na siyang espekulasyon ng kaniyang pagbubuntis.
Magugunitang ikinasal ang dalawa noong Marso sa isang pribadong seremonya sa Grand Walkerhill Seoul in Gwangjin-gu, eastern Seoul.