-- Advertisements --

Naniniwala si Ako Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon na ang kooperasyon ng sinumang indibidwal sa anumang imbestigasyon, kabilang na ang Independent Commission for Infrastructure ay dapat nakabatay sa kanilang paninindigan sa katotohanan at hindi sa kapalit na pangakong proteksyon o immunity bilang state witness.

Tugon ito ni Ridon sa pagtanggi na nang mag-asawang Curlee at Sara Discaya na makipag tulungan sa ICI na siyang nag-iimbestiga sa flood control anomaly.

Binatikos ni Ridocn ang umano’y pagkonsidera sa mga Discaya bilang posibleng state witnesses

Aniya, hindi sila karapat-dapat sa ganitong status dahil sila mismo ang pangunahing sangkot sa diumano’y malawakang pandarambong sa pondo ng bayan, gamit ang kanilang mga construction firm.

Ayon pa kay Ridon, “Hindi maaaring ituring na prospective state witnesses ang mga Discaya sapagkat sila ay mga pangunahing sangkot o ‘principal actors’ sa isyu ng malawakang korapsyon sa paggamit ng pampublikong pondo.”

Sa gitna ng patuloy na imbestigasyon, nananawagan si Ridon ng patas at makatotohanang pag-usisa sa mga kaso, nang walang kinikilingan at walang kapalit na mga kasunduan.