Hiniling ngayon ni outgoing Department of National Defense (DND) Sec. Delfin Lorenzana sa lahat ng mga Pilipino ang kooperasyon sa susunod na administrasyon.
Ito ang panawagan ni Lorenzana kasabay ng ika-124 na Araw ng Kalayaan.
Aniya ang kooperasyon ng mga Pinoy sa susunod na administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos ay para rin sa kinabukasan ng lahat.
“In this period of transition, may we continue to work together with our new set of leaders to realize the hopes and dreams of our forefathers for our nation,” ani Lorenzana sa isang statement.
Pinaalalahanan din ni Lorenzana publiko na ang tinatamasa nating kalayaan sa ngayon ay regalo ng ating mga forefathers dahil sa kanilang mga sakripisyo.
Inaasahan din umano nila na ang kanilang sakripisyo ay para sa kinabukasan ng ating inang bayan.
“As we look back at the road that led us to the freedom and democracy we enjoy today, we also set our sights on the work that remains to be done to achieve the brighter future our heroes dreamed for us,” dagdag ni Lorenzana.
Nanawagan din si Lorenzana sa lahat ng mga Pinoy na yakapin ang mga pagbabago na kanilang kahaharapin sa bagong administrasyon.
Ang Independence Day celebration ngayong taon ay may temang “Kalayaan 2022: Pagsuong sa Hamon ng Panibagong Bukas.”