Napili bilang maging host ng 2021 Grammy Awards ang komedyanteng si Trevor Noah.

Sa kaniyang social media, hindi maitago ng komedyante ang kasabikan na maging host.

Pabiro pa nitong sinabi na kahit dismayado ito dahil hindi siya napiling kumanta sa Grammy o ma-nominate man lang ay masaya na ito dahil sa napili nitong maging host.

Bukod sa pagiging komedyante ay host din si Noah ng The Daily Show (TDS).