-- Advertisements --
Nagpositibo sa novel coronavirus disease 2019 o COVID-19 ang komedyanteng si Donita Nose.
Ito mismo ang kinumpirma ng komedyante matapos ang inilabas na resulta ng swab test nitong Lunes ng umaga.
Kasalukuyan itong naka-confine sa emergency room ng isang pagamutan dahil sa kakulangan ng mga silid ng mga pagamutan.
Kuwento nito na mag-isa lamang siya at nakadama ito ng hirap sa paghinga.
Noong nakaraang linggo ay pinayuhan na siya ng mga doktor na magpa-confine sa pagamutan dahil sa hindi magandang nararanasan nito.
Tiniyak naman nito sa kaniyang mga fans na gagaling ito mula sa nasabing sakit.