-- Advertisements --
Pasok na sa Eastern Conference semifinals ang New York Knicks.
Ito ay matapos na talunin ang Detroit Pistons 116-113 sa kanilang Game 6 ng first round.
Itinuturing na bayani ng laro si Jalen Brunson ng maipasok nito ang three-points sa natitirang 4.3 segundo ng laro para makuha ang 4-2 sa best of seven series.
Nagtala ng 40 points si Brunson habang mayroong 25 points si Mikal Bridges at 22 points naman si OG Anunoby.
Pinuri naman ni Knicks coach Tom Thibodeau ang naging kasipagan ni Brunson dahil hindi niya pinabayaan ang koponan.
Susunod na makakaharap ng Knicks ang defending champion na Boston Celtics.