-- Advertisements --
Hawak na ng New York Knicks ang 2-0 na bentahe sa best of seven NBA Eastern Conference finals nila ng Cleveland Cavaliers 109-93.
Bumandera ang career playoff-high 26 points ni Josh Hart para sa panalo ng Knicks.
Habang mayroong tig-19 points sina Jalen Brunson at Mikal Bridge at 18 points at 13 rebounds ang naitala ni Karl-Anthony Towns.
Nasayang naman ang nagawang 26 points ni Donovan Mitchell at 18 points ni James Harden para sa Cavs.
















