-- Advertisements --

LAOAG CITY – Kinansela ni Ilocos Norte Governor Matthew Marcos Manotoc ang klase sa pampubliko at pribadong mga paaralan sa lahat nga antas matapos ang 6.7 magnitude na lindol kagabi sa Abra.

Aniya, kasamang sinuspinde ng gobernador ang trabaho sa mga opisina ng gobyerno para mabigyan ng pagkakataon na magsagawa ng damage assessment sa mga posibleng naapektuhan ng malakas na lindol.

Hinikayat din ng gobernador ang mga namumuno sa mga pribadong kompanya na sundin ang mga kaukulang precautionary measures para matiyak ang kaligtasan ng mga empleyado.

Nakaalerto na rin ang mga otoridad sa lalawigan matapos ang malakas na paglindol dahil sa inaasahang mga afterschocks.