-- Advertisements --

Ibinenta ng hard rock band na KISS ang kanilang back catalogue at kanta.

Nabili ito ng Swedish music investor sa halagang $300 milyon.

Nabili din ng Stockholm-based Pophouse Entertainment ang brand ng grupo at maging ang intellectual property.

Ang pagbebenta ay simula ng pagreretiro na ng banda sa pagsagawa ng mga live performances sa kanilang “End of the Road” World Tour.

Nagsimula ang banda noong 1973 sa pamumuno ni Paul Stanley at Gene Simmons bilang lead singers kung saan kasama rin sina Ace Frehley at Peter Criss.

Nakilala ang banda sa pagkakaroon ng face paint tuwing may concert.

Ilan sa mga pinasikat nilang kanta ay ang “Rock and Roll All Nite”, “God of Thunder ” at maraming iba pa.