Nanawagan si North Korean leader Kim Jong-un ng mabilis na pagpapalawak ng nuclearization habang binatikos ang taunang military exercise ng South Korea at Estados Unidos bilang “most hostile and confrontational” sa Pyongyang.
Ginawa ni Kim ang pahayag matapos bumisita sa bagong barkong pandigma ng bansa, na Choe Hyon noong unang araw ng Ulchi Freedom Shield – isang joint military exercise ng US at South Korea na tatagal hanggang Agosto 25.
Sinabi pa ni Kim na ang mga exercise military ay malinaw na indikasyon umano ng pagiging agresibo ng Amerika at South Korea laban sa North Korea, at iginiit niya na kailangang tumugon ang kanyang bansa sa pamamagitan ng mas pinabilis at pinalawak na nuclear program.
Tumugon naman si South Korean Unification Ministry, na sinabing ang military drills ay pawang defensive at walang intensyong magsimula ng tensyon sa rehiyon.
Ayon sa mga eksperto, ang pagbisita ni Kim sa barkong pandigma ay may layuning ipakita ang determinasyon ng Pyongyang na palawakin angnuclear nito, kasabay ng nalalapit na pagpupulong nina South Korean President Lee Jae Myung at U.S. President Donald Trump sa Agosto 25.