-- Advertisements --

Nagsagawa ng kilos protesta ang ilang libong katao sa Paris dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin at mga produktong langis.

Ang nasabing kilos protesta ay kasunod naganap matapos ang ilang linggong kilos protesta mula sa mga manggagawa na humihiling ng dagdag sahod.

Pinangunahan ni Jean-Luc Melenchon ang lider ng La France Insoumise (France Unbowed) kasama si 2022 Nobel Prize winner for Literature na si Annie Ernaux.

Nanawagan din ang mga ito ng malawakang kilos protesta sa araw ng Martes.

Sinabi naman ni Budget Minister Gabriel Attal na ang kilos protesta ay isang uri ng pananabotahe dahil sa naglalayon pa ng mas maraming kilos protesta sa mga susunod na araw.