-- Advertisements --

Nagkasa ng mga kilos-protesta sa lahat ng 50 estado sa Amerika ang milyun-milyong indibidwal upang ipanawagan ang pagtutol sa administrasyon ni Pangulong Donald Trump. 

Nagkakaisa sila sa panawagang walang dapat maging “hari” sa Estados Unidos.

Kabilang sa mga nakilahok at nagsalita sa mga protesta ang ilang politiko, kabilang na sina Democratic Senators Chuck Schumer, Chris Murphy, at Cory Booker.

Mainit na tinanggap si Senator Bernie Sanders ng malalakas na hiyawan at palakpakan nang umakyat siya sa entablado upang magsalita sa rally sa Washington D.C.

Inaasahang milyon ang lalahok sa mahigit 2,700 na mga lokasyon — mula sa maliliit na bayan hanggang sa malalaking lungsod — na sumasalamin sa mas malawak at desentralisadong kilos-protesta laban kay Trump, na noong una ay nakatuon lamang sa mga demonstrasyon sa Washington D.C. sa panahon ng kanyang unang termino bilang pangulo.