-- Advertisements --

Lumawak pa ang nagaganap na kilos protesta sa Iran.

Sa mahigit isang linggong sagupaan ng mga Iranian police at anti-government protesters ay umabot na sa mahigit 80 katao na ang nasawi.

Nagsimula ang malawakang kilos protesta sa pagkasawi ng 22-anyos na babae na si Mahsa Amini habang ito ay nasa kustodiya ng kapulisan.

Inaresto si Amini sa Tehran dahil sa pagsusuot ng hindi angkop na kasuutan at ito ay nasawi habang nasa kustodiya ng kapulisan.

Tiniyak naman ng gobyerno na maglulunsad sila ng imbestigasyon dahil sa pangyayari.

Dahil na rin sa pangyayari ay papatawang ng US ng sanction ang Iran.

Ayon kay Treasury Secretary Janet Yellen na pitong opisyal ang inilagay nila sa sanctions na kinabibilangan nina Mohammad Rostami Cheshmeh Gachi ang namumuno sa morality police, Kiyumars Heidari ang army gound forces commander at Esmail Khatib ang minister of intelligence ng Iran.

Dahi aniya dito ay lahat ng kanilang mga ari-arian, interest sa property ay haharangin sa US at ito ay dapat isumbong sa Treasury Office ng Foreign Assets Control (OFAC).