-- Advertisements --

Dinoble ng mga kapulisan sa France ang pagbabantay sa mga kalsada matapos ang naganap na kilos protesta.

Ikinagagalit kasi ng mga protesters ang pagtaas ng edad ni President Emmanuel Macron sa retirement age na mula sa dating 62 at ginawa itong 64.

Nagtungo ang mga protesters sa Constitutional Council building dahil isasagawa ngayong araw ang desisyon ng konseho kung nararapat nga bang ipatupad na ang batas.

Inaasahan na aabot sa kalahating milyong mamamayan ng France ang lalahok sa kilos protesta ito ay nagsimula ng halso dalawang linggo na.

Mahigit 11,000 na kapulisan ang ipinakalat kung saan 4,200 dito ay itinalaga sa Paris.

Sa panig naman ni Macron na saka lamang ito makikipagpulong sa mga union kung nakapagdesisyon na ang Constitutional Council.