-- Advertisements --

Ikinalungkot ng mga film composer sa Oscars ang pagpanaw ng kilalang composer na si Ennio Morricone sa edad 91.

Ayon sa kaniyang abogado, nalagutan na si Morricone sa pagamutan matapos na ito ay gamutin sa fractured femur na kaniyang nakuha sa pagkahulog.

Nakagawa siya ng halos 500 kanta ng iba’t-ibang pelikula kasama ang matalik na kaibigan nitong si Sergio Leone noong 1966 na spaghetti western na “The Good, The Bad and the Ugly”. at ang “The Hateful Eight” ni Quentin Tarantino na nanalo noong Oscar noong 2016.

Bago nanalo sa Oscar bilang best film score noong 2016 ay naging nominado ito ng hindi lamang limang beses sa Academy of Motion Picturs Arts and Sciences.

Ilan sa mga nominations nito ay ang “Days of Heaven” noong 1978, ” The Mission” noong 1986, “The Untouchables” noong 1987, “Bugsy” noong 1991 at “Malena” noong 2000.