Basu Chatterjee
Basu Chatterjee/ Twitter image
-- Advertisements --

Pumanaw na ang kilalang Bollywood filmmaker na si Basu Chatterjee sa edad 93.

Kinumpirma ni Ashoke Pandit ang pangulo ng Indian Film and TV Directors Association ang kamatayan ni Chatterjee.

Sinasabing dahil na rin sa katandaan ang sanhi ng kamatayan nito.

Nakilala si Chatterjee sa paggawa ng mga simpleng Bollywood romances and comedies.

Ilan sa mga ginawa nitong mga pelikula ay ang Rajanigandha, Choti Choti Si Baat, Chitchor, Baton Baton Mein at Ek Ruka Hua Faisla noong 1986.

-- Advertisement --