-- Advertisements --

Nasa katubigang bahagi na ng Itbayat, Batanes ang typhoon Kiko, matapos ang unang landfall nito sa Ivana, Batanes, kaninang umaga.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 205 kph at may pagbugsong 250 kph.

Kumikilos ito nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Nakataas ngayon ang tropical cyclone wind signals sa mga sumusunod na lugar:

Signal No. 4: Batanes

Signal No. 3: Northeastern portion ng Babuyan Islands

Signal No. 2: Natitirang bahagi ng Babuyan Islands

Signal No. 1: Northern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Gattaran, Lasam, Allacapan, Santa Teresita, Buguey, Aparri, Camalaniugan, Ballesteros, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira,Claveria, Santa Praxedes), northern portion ng Apayao (Flora, Pudtol, Luna, Santa Marcela, Calanasan) at northern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Dumalneg, Vintar, Bangui, Burgos).