-- Advertisements --

Napanatili ng typhoon Kiko ang taglay nitong lakas habang tumatama ang outer portion nito sa extreme Northern Luzon.

Namataan ang sentro ng bagyo sa layong 90 km sa silangan hilagang silangan ng Calayan, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 215 kph at may pagbugsong 265 kph.

Kumikilos ito nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Signal number 4: Batanes at northeastern portion ng Babuyan Islands

Signal number 3: Northwestern at southeastern portions ng Babuyan Islands (Panuitan Is., Calayan Is., CamiguinIs., Pamuktan Is., Didicas Is.)

Signal number 2: Northern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Santa Teresita, Buguey, Sanchez-Mira, Pamplona, Ballesteros, Abulug, Camalaniugan, Aparri, Claveria, Santa Praxedes)

Signal number 1. Nalalabing bahagi ng mainland Cagayan, northernportion ng Ilocos Norte (Adams, Dumalneg, Bangui, Vintar, Carasi, Nueva Era, Piddig, Solsona, Burgos, Pasuquin, Bacarra, Laoag City, San Nicolas, Sarrat, Dingras, Pagudpud), Apayao, northern portion ng Kalinga (Balbalan, Pinukpuk, City of Tabuk, Rizal), northeastern portion ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong) at northern portion ng Isabela (Divilacan, Ilagan City, Quirino, Quezon, Mallig, Tumauini, Maconacon, San Pablo, Cabagan, Delfin Albano, Santo Tomas, Santa Maria)