-- Advertisements --

Inanunsiyo ngayon ng management ng Brooklyn Nets na mananatili pa rin sa kanilang team ang NBA superstar na si Kevin Durant.

Ang “pag-move forward” na ng Brooklyn ay matapos na mabigo na makakuha ng deal sa ibang team na pampalit sana sa paglipat kay Durant.

Kung maalala mula pa noong June 30 humihingi na ng trade si Durant, 33.

Nets KD Kevin Durant

Naging dahilan ito nang pagbuhos ng mga interesadong teams upang makuha sana ang serbisyo ng dating MVP, tulad na lamang ng Boston Celtics, Miami Heat, Memphis Grizzlies, Philadelphia 76ers at Toronto Raptors.

Gayunman ayon sa statement ng general manager ng Brooklyn Nets na si Sean Marks, iniulat nito na kinausap nila si Durant kasama ang coach na si Steve Nash Joe Tsai at Clara Wu Tsai doon sa Los Angeles para magkapaliwanagan.

Sa ngayon aniya, nakapokus na sila sa basketball at iisa lamang ang layunin at ito ay makuha ang kampeonato.

Ang tinaguriang isa sa “deadliest offensive weapon sa NBA” na si Durant ay merong apat na taong kontrata sa Nets.

Kung maalala ang isa pang NBA star na si Kyrie Irving ay humingi rin ng trade sa Brooklyn pero sa huli ay hindi rin natuloy at mananatili pa rin siya sa team para muling magsama ng puwersa kasama si Durant.