Inaasahang magbabalik na umano sa paglalaro ang Brooklyn Nets superstar na si Kevin Durant sa darating na Biyernes makalipas ang mahigit isang buwan na pagpapagaling sa injury.
Ang buwena manong pagbabalik ni Durant ay eksaktong makakaharp nila ang No. 1 na team na Miami Heat.
Una nang dumanas nang tinatawag na sprained left MCL si Durant noong January 15.
Sinasabing malaking bagay umano na babalik na si Durant lalo na at nakatikim ang Brooklyn ng 16 na talo mula ng mawala siya.
Nadagdagan pa ang problema ng koponan nang makalipat ang isa sa kanilang Big Three na si James Harden patungong Philadelphia Sixers kapalit ng apat pang iba sa nangyaring trade.
Bago ang injury ni Durant, kabilang ito sa nangunguna sanang kandidato sa MVP.
Habang ang team naman ay bumagsak din sa pang-walong puwesto sa sa Eastern Conference.