Masayang ibinahagi ni KC Concepcion na nakatanggap na ito ng Silver Play Button mula sa YouTube.

KC silver button

Sa kaniyang Instagram account, nagpost ito ng larawan habang hawak-hawak ang nasabing award.

Pinasalamatan niya ang kaniyang subscribers sa YouTube dahil sa patuloy na pagtangkilik dito.

Ibinibigay ng YouTube ang Silver Play Button sa mga mayroong mahigit 100,000 na subscribers.

Nasa mahgiti 196,000 na sa kasalukuyan ang subscriber ng actress.