-- Advertisements --

Nanalo ng kanyang ikatlong ginto si Kayla Sanchez sa 33rd Southeast Asian Games matapos magtala ng pinakamabilis na oras na 1:02.35 sa Women’s 100-meter Backstroke sa Hanoi, Vietnam noong Sabado.

Tinalo niya si Mia Miller ng Thailand (1:02.52), habang si Flarence Candrea ng Indonesia ay tumapos ng pangatlo (1:02.60).

Ang panalo ni Sanchez ay nagbigay sa Team Philippines ng ika-14 na gintong medalya para sa 2025 SEA Games.

Siya rin ang pinakamaraming medalya para sa bansa sa kompetisyong ito, matapos manalo ng ginto sa 4×100-meter relay at 100-meter freestyle.

Nag-uwi rin siya ng silver sa 50-meter backstroke matapos magtakda ng bagong SEA Games record sa morning heat.