-- Advertisements --
Tinambakan ng Los Angeles Clippers ang Chicago Bulls, 125-106.
Ito na ang ika-19 na panalo ng Clippers sa kabila na hindi nakalaro si Paul George bunsod ng injury.
Muling nanguna sa panalo ng Clippers ang superstar na si Kawhi Leonard na may 33 points.
Pero malaki rin ang naimbag nina Lou Williams, may 20 points at si Marcus Morris Sr. na dumiskarte ng 17 points.
Sa laro kanina inalat ang Bulls mula sa ginawang franchise-record na 25 na 3-pointers at panalo kahapon kontra sa New Orleans.
Pero ngayon nasa 12 lamang ang kanilang nagawa mula sa 32 mga pagtatangka.
Ang next game ng Clippers ay hosts sila laban sa Cleveland Cavaliers sa Lunes.
Ang Chicago naman ay bibisita sa Indiana sa Martes.