-- Advertisements --

Todo kayod ang ginawa nina Kawhi Leonard at Paul George upang makuha ang Game 3 laban sa Utah Jazz sa iskor na 132-106 sa nagpapatuloy na NBA semifinals.

Sa ngayon nailapit na ng LA ang serye sa 2-1 makaraang magbuhos ng 34 points si Leonard, habang nagdagdag naman ng 31 points si George.

Ito ang ikalawang pagkakataon na umiskor ang dalawa sa higit 3 puntos.

Sa panig ng Jazz noong una ay inalat ang top scorer na si Donvan Mitchell bago bumawi sa second half para iposte ang 30 puntos.

Hindi na rin tinapos ni Mitchell ang 4th quarter at iika-ika itong lumabas patungo sa dug out.

Paliwanag naman ni Mitchell walang dapat ikabahala dahil ang maaga niyang paglabas ay bunsod na hindi na rin nila kayang habulin pa ang kalamangan ng karibal na team.

Samantala ang Fil Am na si Jordan Clarkson ay nagtapos sa 14 points.