Aminado ang Philippine national Team Azkals na malaking kawalan ang hindi paglalaro bukas ng kanilang dalawang players kaugnay sa opening match ng prestihiyosong 2019 Asian Cup Qualifier kontra sa national team ng Nepal.

Gagawin ang laro sa Rizal Memorial Stadium sa lungsod ng Maynila kung saana ng kick off ay alas-8:00 ng gabi..

Bagamat malakas na line up ang isasabak ng Pilipinas, hindi naman makakalaro ang forward na si Misagh Bahadoran at midfielder na si Kevin Ingreso.

Si Bahadoran ay nagkaroon ng injury sa friendly game noong nakaraang linggo kontra sa Malaysia, habang kahapon naman ay nagkaroon ng hamstring si Ingreso.

Ayon sa national coach na si Thomas Dooley, ang dalawang players ay magaling sa scoring at depensa.

Sa kabila nito, paghahandaan daw nila na maka-score na siyang kulang nila sa ginanap na exhibition game.

Muling mangunguna sa kampanya ng Azkals sina Phil Younghusband ang team captain, goalkeeper na si Neil Etheridge at si Javier Patino.

Ang iba pang kasama ng Pilipinas sa Group F ay ang mga qualifiers din na  Tajikistan at Yemen.

Ang tinatawag na  home-and-away qualifiers ay lalaruin hanggang sa sunod na taon kung saan ang top two teams sa grupo ay uusad sa second round ng torneyo.

Ang muling paghaharap ng Pilipinas at Nepal ay sa November 14 pa.

Sa huling laro ng dalawang koponan ay noon taong 2014 sa isang friendly game kung saan nanalo ang Azkals sa score na 3-0.

Samantala nag-anunsiyo naman ang organizers sa ticket price sa game:

LOWER GRAND C (Category 1)      ₱ 500.00
LOWER GRAND A (Category 2)      ₱ 300.00
BLUE BLEACHER (Category 3)      ₱ 100.00

Narito ang iba pang line-up ng Azkals:

AGUINALDO, Amani Manuel
ARBOLEDA, Fitch Johnson Daviz
CHRISTIAENS, Jeffrey
DANIELS, Kenshiro Michael
DE MURGA, Carlos Alberto
DEYTO, Patrick Philip
ETHERIDGE, Neil Leonard
MINEGISHI, Hikaru
MUÑOZ, Jim Junior
OTT, Manuel
OTT, Mike Rigoberto
PATIÑO, Javier
PORTERIA, Jose Elmer
RAMSAY, Iain
SATO, Daisuke
STEUBLE, Martin Markus
VILLANUEVA, Dennis
WOODLAND, Luke
YOUNGHUSBAND, James Joseph
YOUNGHUSBAND, Philip James