CAUAYAN CITY- Inihahabol ng pamahalaang lungsod sa September 22, 2021 na magiging operational ang Crematorium sa ipinapatayong Public Crematorium and Columbarium sa San Francisco, Cauayan City na kauna unahan sa region 2.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni SP Member Edgardo Atienza Jr. na siyang may-akda pagtatayo ng Public Crematorium and Columbarium na layunin din nitong mabigyan ng magandang burol ang mga pumanaw dahil sa COVID-19 habang daang libong piso naman ang halaga ng pag-cremate sa mga namatay na dadalhin pa sa Pampanga.
Ang ipinapatayong Public crematorium and Columbarium na kauna unahan sa rehiyon dos ay makakagaan sa mga mamamayang may namayapang mahal sa buhay.
Ito rin ang magiging social service para sa mga mamamayan sa Lunsod ng Cauayan kung saan mura lamang ang babayaran.
Hindi anya layunin ng pagatayo ng Public Crematorium and Columbarium malapit sa public cemetery sa barangay San Francisco na kompetensiyahin ang mga serbisyo ng mga punerarya sa Lunsod.
Sinabi pa ni SP member Atienza na naghain din siya ng ordinansa sa tulong ng mga kasapi ng Rescue 922 na magkakaroon ng sariling transport vehicle na kukuha sa mga labi ng mga namatay sa ibang mga lugar na taga rito sa Isabela.