-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nagtala ng kauna-unahang nagpositibo sa COVID 19 ang bayan ng Naguillian, Isabela na isang overseas filipino worker.

Ang panibagong kaso ay isang 42 anyos na lalaki, isang OFW na residente ng Naguilian, Isabela.

Ang nasabing OFW ay dumating sa Pilipinas mula Saudi Arabia noong 11 ng Hunyo, at nakauwi sa kanilang bayan noong ikalabing lima ng Hunyo.

Nakasalamuha ng naturang nagpositibo ang kapwa niya OFW si PH 28953 o CV45 na kasabay niyang umuwi sa probinsya lulan ng bus na inarkila ng OWWA para sa kanilang mga repatriates.

Sa kasalukuyan ay walang ipinapakitang sintomas ng virus ang pasyente .

Kasalukuyan na ang contact tracing ng DOH sa pamamagitan ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit, katuwang ang DILG,PNP, Pamahalaang lalawigan ng Isabela at ang lokal na pamahalaan ng Naguilian.

Magtutulong-tulong ang mga ito upang maisagawa ang contact tracing at agad na matukoy ang mga naging “close contacts” ng nasabing pasyente.

Nakiusap naman sila sa publiko na makipagtulungan upang mapabilis ang pagsagawa ng contact tracing.