Ibinunyag ni Katty Perry na dumanas nito ng mental health issues matapos ang pakikipaghiwalayan niya sa kasintahang si Orlando Bloom noong 2017.

Ayon sa singer, na mula ng magkahiwalay sila ng nobyo ay inisip niya na magpakamatay.

Nawalan na rin ito ng panahon na ngumiti at sumaya noong mga panahong iyon.

Bumalik na lamang ang lahat ng sigla ng makipagbalikan ang kaniyang nobyong si Bloom.

Magugunitang buntis ngayon ang singer na si Perry o si Katheryn Hudson sa tunay na buhay mula sa nobyong si Bloom.

Kuwento pa ng 35-anyos na singer na dahil sa kaniyang paniniwala ay siyang nagdala sa kaniya ng manumbalik sa normal.