-- Advertisements --
Bahagyang naantala ang concert ng singer na si Katty Perry.
Nakaranas kasi ng malfunctions ang kaniyang props na ginamit sa concert nito sa San Fancisco.
Nangyari ang insidente habang kinakanta niya ang hitsong na “Roar” sa Chase Center.
Nakasabit ang sinasakyan nitong paro-paro kung saan biglang lumuwag ang tali at bumulusok pababa ang singer.
Dahil dito ay bahagyang napahinto sa pagkanta ang singer at nakabawi ito sa pag balanse.
Magugunitang nakaranas din ng parehas ng insidente ang singer na si Beyonce ng ang nakabitin na kotse nito ay biglang natanggal ang isang tali sa konsiyerto sa Houston noong nakaraang buwan.