-- Advertisements --

Pinuna ng singer na si Katty Perry ang paggamit ng White House ng kaniyang kanta.

Sa kaniyang social media ay inihayag nito ang pagkadismaya ng gamitin ang kanta nitong “Fireworks”.

Ginamit ito ng White House sa missile attack nila laban sa Iran.

Giit ng singer na hindi niya inaprubahan ang nasabing paggamit sa kaniyang kanta at kaniyang kinokondina ang ginawa ng White House.

Paliwanag ng singer na ang kanta ay para sa pag-asa, paghilom at kalakasan ng isang tao kahit na ito ay dumadaan sa anumang pagsubok.

Hindi aniya tama na gamitin ang kaniyang kanta para manira o itaguyod ang giyera kung saan magreresulta sa pagkawatak-watak ng mga tao.

Magugunitang hindi lamang si Perry ang nagalit dahil maging ang singer na si Kesha ay ginamit ng White House ang kanta nitong “Blow” para maipakita ang paggiyera nila sa Iran.

Noong nakaraang taon ay ang singer naman na si Sabrina Carpenter ang bumatikos sa US Government ng gamitin ang kanta nitong “Juno” sa pagtataboy ng US sa mga immigrants.