KORONADAL CITY – Tukoy na ng mga otoridad ang salarin sa pagpatay kay Ret. PMSgt. Armado “Itom” Dominggo, isang retiradong pulis na binaril-patay ng riding-in-tandem criminal noong nakaraang linggo sa gate 4 ng Public Market sa lungsod ng Koronadal.
Ito ang kinumpirma ni Police Lt. Reynaldo Sotelo, Chief of Investigation ng Koronadal City PNP sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon sa mga testigo, nakilala ang suspek base sa mga kuhang CCTV footages sa crime scene.
Kinilala ng opisyal ang salarin na si Jimmy Mohammad Tula, residente ng Brgy. Nitibtiban, Pikit, North Cotabato, na dati nang may record sa mga kapulisan.
Sa ngayon, pormal nang nahain ang kasong pagpatay laban sa suspek habang pinaghahanap na ito para panagutin sa kanyang ginawang krimen.