CEBU – Nadismiss ang kasong inihain ng isa sa mga doctor ng Catholic-run hospital na Perpetual Succor sa lungsod ng Cebu kontra sa Bombo Radyo Cebu Chief of Anchors at Zona Libre Program Anchor Virgilio Salde, Jr. at sa private individual na si JoAnn Odulio-Alinson.
Nakasaad sa dalawang pahina ng Fiscal’s decision na walang sapat na ebedensiya ang panig ng complainant na si Dr. Jamela Anne Osorio-Sanchez kaugnay sa kasong libel may kaugnayan sa Section 4 ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 na inihain nito laban kay Salde at Alinson.
Nag-ugat ang reklamo ni Dr. Sanchez na isang oncologist ng Perpetual Succor Hospital laban sa mga nabanggit dahil sa aniyay malisyusong akusasyon matapos itong pinangalanan on air na umanoy minapula nito ang kamatayan sa ama ni Alinson na si Retired Engineer Lorenzo Martinez Odulio upang ipalabas na pumanaw ito dahil sa COVID-19 para mamakuha di umano ng monetary benefits sa Philippine Health Insurance Corporation. Maliban nito inireklamo rin ng doctor ang di umanoy pahayag ni Alinson tungkol sa overcharging nito sa professional fees.
Maliban kay Sanchez kabilang din umano sa inakusahan ng monetary benefits ang iba pang mga doktor na nasa posisyon ng pag-aalaga kay Mr. Odulio.
Bilang doctor na pumirma sa death certificate ni Mr Odulio, isang panlalapastangan umano ng kanyang dignidad ang naturang pahayag ni Odulio na muling diniscuss umano ng broadcaster na si Salde noong a-katorse ng Agosto ng nakaraang taon.
Kaugnay nito, humingi pa ng P3-million worth ng criminal damages si Dr Sanchez kontra kay Salde kaugnay sa pagsira umano nito ng kanyang dignidad.
Subalit lumabas sa beripkasyon ng piskalya sa mga ebedensiya ng complainant na si Dr. Sanchez na bigo itong patunayan dahil sa kulang na ebedensiya dahilan na naging groundless ang isinampa nitong kaso.
Binigyang diin ng Bombo Radyo Cebu Management sa pamamagitan ng Station Manager na si Marchoflix Lucabon na isang pagpapatunay ang naturang dismissal na hindi pumapanig sa kasinungalingan ang himpilan ng Bombo Radyo Philippines ang Pambansang Radyo ng Pilipinas at Official Numbe 1 Radio Network in the Country at tanging katotohanan ang pinaglalaban kabilang na ang pagbibigay ng totoong serbisyo sa mga nangangailangan.
Pinasalamatan din nito ang pamunuan ng Bombo Radyo Philippines sa pangunguna ng Chairman na si Dr. Rogelio M. Florete, Sr. sa suportang ibinigay.
Maaalala na una nang humingi ng tulong sa Bombo Radyo Cebu si JoAnn Odulio-Alinson sa pamamagitan ng mga dokumento na dinala nito mula sa hospital kaugnay sa kanilang pagkadismaya sa sitwasyon na kinahinatnan ng kanilang ama na dati nang may iniindang prostate cancer ngunit nilagay umano sa COVID-19 ward na kalauna’y lumabas na negatibo sa coronavirus.