-- Advertisements --
ILOILO CITY – Inihahanda na ng pamilya ng 16 anyos na binatilyo ang kasong isasampa laban sa mga suspek na gumahasa umano sa biktima.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo sa biktima na si Tonton ng Calumpang, Molo, IIoilo City, kanyang pinangalanan ang mga suspek na gumahasa sa kanya.
Ayon kay Tonton, kabilang sa mga nadamay sa kaso ay sina alyas Edzie, alyas Xandrix, at alyas Johnray na siyang naglagay ng kemikal sa kanyang inumin bago siya ginahasa.
Ang ibang pangalan na nadamay ayon kay Tonton ay kaibigan umano ni Johnray.
Samantala, eksklusibo namang lumantad sa Bombo Radyo ang suspek na si Johnray.
Ayon sa suspek, walang katotohanan na siya ang nagbugaw sa biktima sa halagang isang libo kapalit ng panandaliang aliw.