-- Advertisements --
DAGUPAN CITY – Bumaba ang bilang ng kaso ng rape sa lalawigan ng Pangasinan.
Base sa tala ng PNP Pangasinan, bumaba ng 97 incidents o 61% ang rape case sa probinsya.
Noong nakaraang taon, umaabot sa 159 ang naitalang kaso mula Enero hanggang Hunyo, mas mababa ngayon na mayroon lamang 62 na kaso sa parehong period.
Mas mataas din umano ang naitalang incest rape at statutory rape.
Paliwanag naman ng PNP, special ang pagkuha ng statistics ng nasabing kaso dahil karamihan sa mga kasong rape ay late na itong inirereport sa mga kinaookolan.
Minsan may isang taon na ang lumipas mula nang maganap ang insidente pero ngayon lang lumantad ang biktima.