-- Advertisements --

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si PhilHealth President Edwin Mercado, bilang bagong kalihim ng Department of Health (DOH). 

Papalitan nito sa pwesto si Dr. Jose Pujalte Jr., na una ng naitalaga sa pwesto nito lamang Hulyo. 

Ayon kay Castro, una nang nagsilbing president at CEO ng iba’t ibang ospital mula 2000 hanggang 2016. 

Habang magsisilbi namang Acting President ng PhilHealth si Dr. Beverly Lorraine Ho na kasalukuyang Chief Health Officer ng Ayala Healthcare Holdings Inc. 

Una na rin itong nagsilbi bilang Asec sa DOH noong 2023 – 2024, at Usec noong 2022.

Sinabi ni castro dahil sa lagay ng kalusugan dahilan ang pagbibitiw sa pwesto ni Pujalte.

Kung maalala naging kontrobersiyal ang umanoy presensiya ni pujalte sa isang casino.