-- Advertisements --
Nababahala ang mga health officilas ng Pakistan dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue.
Mabilis na lumubo ang nadadapuan ng dengue matapos ang nangyaring malawakang pagbaha ng ilang linggo.
Bukod sa dengue ay patuloy na tumataas ang kaso ng malaria at severe gastric infections.
Karamihang mga nawalan ng bahay ay naninirahan malapit sa stagnant water kaya tumataas ang kaso ng dengue.
Sa pinakahuling pagtaya nila ay nasa halos 4,000 na ang bilang ng kaso ng dengue.
Magugunitang aabot sa 33 milyong katao na ang naapektuhan ng pagbaha na ikinasawi ng halos 1,500 katao mula pa noong Hunyo.