-- Advertisements --
Pumalo na sa mahigit 10 milyon ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa buong mundo.
Sa pinakahuling bilang nitong Linggo ng gabi, umaabot na sa 10,166,544 ang kabuuang bilang.
Mayroon namang 502,772 ang bilang ng nasawi dahil sa virus at 5,507,533 naman ang gumaling sa buong mundo.
Ayon sa World Health Organization (WHO), na ang pinakamaraming kasong naitala ay mula sa North America, Latin America at Europe na mayroong 25% na kaso habang mayroong 11% na naitala ay mula sa Asya at 9% naman sa Middle East.
Dagdag pa ng WHO na ang nasabing bilang ay halos doblehin ang kaso ng severe infulenza na naitatala kada taon.
















