-- Advertisements --
Nakakuha si Karl Eldrew Yulo ng silver medal sa vault finals ng Asian Gymnastics Championships nitong Linggo.
Nakapagtala si Eldrew Yulo ng average score na 13.850, kaya’t nakapagtapos siya sa pangalawang pwesto, kasunod ni Bak Junwoo ng South Korea na may score na 13.933 habang pumangatlo naman si An Daegeon ng South Korea na may 13.783.
Maalaalang noong nakaraang taon, nakapag-uwi si Karl Eldrew ng ginto sa parehong kategorya.
Samantala, ang kanyang kapatid na si Carlos Yulo ay nakapag-uwi naman ng gold medal sa floor exercise finals at bronze sa individual all-around.