-- Advertisements --

Posibleng sa katapusan pa ng 2023 matatapos ang dagdag na immigration counter sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Sinabi ni Manila International Airport Authority Officer-In-Charge Bryan Co, mayroong walong immigration counter ang kanilang idadagdag sa susunod na linggo sa dating 36 counter.

Sakaling matapos na rin ang Immigration Annex ng paliparan ay mapapabilis ang mga pagproseso para sa mga Overseas Filipino Workers, Senior Citizen, Diplomats at Persons with Disabilities o PWD.

Sa nasabing dagdag na mga immigration lne ay mapapabilis ang pagproseso ng mga papalabas ng bansa.